Wala na kaming hanap buhay - Jeepney caller on phase out

 By: Chello Gonzales, Khyrus Santos


Jeepney barker calling commuters in City of Malolos. Photo taken on December 13, 2023.

Ang tradisyunal na jeepney ay parte ng identidad ng Filipino; ito din ang hanapbuhay ng maraming mamamayan. Maapektuhan ang marami kung tuluyan mawala ang mga traditional jeepney sa kalsada, ang mga mananakay, pati na ang driver at caller nito. Gayundin sa malililiit na tindahan sa bawat paradahan, habang mahaba ang pila mas may pagkakataong magkaroon ng magandang kita.

Isa si Eduardo sa mga caller sa maapektuhan ng pagkawala ng mga tradisyonal na jeepney. Ayon sa kaniya, “Maapektuhan kami kasi yung modern hindi na nagpapatawag yun may sarili silang konduktor, may sarili silang driver pero yun naman nagpapatawag wala silang konduktor kaya dito kami kumikita.”

“Pagnagphase-out wala na kaming hanap buhay, kasi doon lang kami kumikita.” ayon kay Arnel, limang taon ng barker or caller ng jeep. “Halos lahat ang aming hanapbuhay ay jeep dito namin kinukuha pagkain, bayad-utang, baon sa eskwela, lahat ng gastos dito. Kaya eh nagphase-out, papalitan ng bagong modern jeep, eh pano na aming hanapbuhay”

Sa mga driver naman, si Bidon, 18 taon na ng driver ng dyip, hindi siya sang-ayon sa modernisasyon nito. Ayon sa kaniy, “Ah yung doon sa bagong modernisasyon, di naman ako okay " dagdag pa niya “Eh syempre, di na kami masasakyan dahil don sa mga aircon na yon,” saad pa niya, "Yun lang, hindi pwede i-phaseout, yun lang gusto ko"

Ano nga ba ang PUV Modernization Program?

Ito ay ang PUV Modernization Program ng Land Transportation Regulatory Board noon pang 2017. Ayon dito, layunin nito na palitan ang jeepneys na hindi na ”road worthy” sa standards ng Land Transportation Office, ang ipapalit rito ay ang mga saskayan na Euro 4-compliant engine.

Ang mga modernong jeepneys na nais ipalit ng pamahalaan ay nagkakahalaga P2 million pesos na kahit ang Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines ay sinasabi na mahal para sa mga operator at Public Utility Vehicle (PUV) Drivers, ayon sa ulat ng CNN Philippines

Matagal na naging usapin ang programang ito hanggang sa nagpalit na administrasyon ay tuloy pa rin ang programa kahit na ilang beses na nagkaroon ng tigil pasada ang mga grupo ng mga driver tulad ng Piston, Manibela at iba pa.

Noong Nobyembre 2023 nagkaraoon ng tigil pasada ang grupo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at MANIBELA dahil sa deadline ng pagsali sa mga transport cooperatives sa December 31, 2023

Ayon sa LTFRB spokeperson, ang mga hiling ng jeepney drivers ay maaring gawin ngunit, “.. pagscrap sa consolidation process, that’s non-negotiable. The word scrap that’s non-negotiable, but as per chairman, pwede pong isimplify yung proseso ng consolidation process” ayon sa video ng ANC 24/7 noong Nobyembre 21, 2023.


Muling magkakaroon ng dalawang araw na malawakang tigil pasada ang grupong PISTON, bukas hanggang sa Disyembre 15 upang muling manawagan na kanselahin ang December 31 deadline sa franchise consolidation.

Mga ruta na maapektuhan ay Commonwealth, Quezon City, Monumento, Caloocan, at Alabang.

Makikiisa naman ang STAND BulSU sa pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa isyu sa pamamagitan ng pamimigay ng polyetos sa mga terminal at palengke, bukas, Disyembre 14.








Comments

Popular posts from this blog

Wiki Malolos website launching make history today

Ongoing investigation on the RAMCAR fire incident

UCAJODA-MANIBELA leads Malolos Jeepney Strike